MANILA, Philippines - Nabiktima ng pagpatay sa internet si Jinkee Pacquiao nung isang gabi. Kumalat sa social media na umano’y napatay si Jinkee matapos nakawan. Siyempre may ilang naniwala agad-agad lalo na ‘yung mga nakikitingin lang sa social media at hindi naman nagbabasa kung ito ay fake. Mabuti na lang at hindi agad-agad pinatos ng mga legit na website. Buti na rin lang at sunud-sunod ang post ni Mrs. Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account. At ang isa nga rito ay “Proof of life. I know the Lord is always with me. I will not be shaken, for he is right beside me. Psalm 16:8” Isa pang post niya ay photo nilang buong pamilya: “We have nothing to fear if we stay close to the Rock of our salvation. Christ is the enduring stone upon which the Father has built our salvation and the only foundation for meaningful life. 1 Corinthians 3:11 NLT [11] For no one can lay any foundation other than the one we already have-Jesus Christ. “It is only as our lives are built upon H...
Labing-apat na katao, karamihan mga mag-aaral sa kolehiyo ang namatay kasama ang driver at isang propesor sa isang kamping trip nang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang chartered bus sa pababang kalsada at ito ay bumangga sa electric post at isang puno. Sa lakas ng pagkabangga nito, natastas ang bubong ng bus at nagkakalat ang mga gamit ng mga biktima. Ang mga mag-aaral, ay kumukuha ng kurso sa computer, halos malapit na sa kanilang destinasyon nang maganap ang aksidente. Ang ilan sa mga nakaligtas ay nagsabi na may naaamoy silang nasusunog na goma bago nawalan ng preno ang nasabing bus. Nagsigawan sa takot ang sakay ng bus nang ito ay mawalan ng kontrol. Ang bus ay isa sa mga ilang sasakyan na naghahatid mga estudyante sa isang camping resort nang maganap ang aksidente sa Tanay, mga 50 kilometro east of Manila. - FNW
Comments
Post a Comment