Aksidente, 14 Patay sa Tanay Rizal



Labing-apat na katao, karamihan mga mag-aaral sa kolehiyo ang namatay kasama ang driver at isang propesor sa isang kamping trip nang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang chartered bus sa pababang kalsada at ito ay bumangga sa electric post at isang puno.

Sa lakas ng pagkabangga nito, natastas ang bubong ng bus at nagkakalat ang mga gamit ng mga biktima.

Ang mga mag-aaral, ay kumukuha ng kurso sa computer, halos malapit na sa kanilang destinasyon nang maganap ang aksidente.

Ang ilan sa mga nakaligtas ay nagsabi na may naaamoy silang nasusunog na goma bago nawalan ng preno ang nasabing bus.

Nagsigawan sa takot ang sakay ng bus nang ito ay mawalan ng kontrol.

Ang bus ay isa sa mga ilang sasakyan na naghahatid mga estudyante sa isang camping resort nang maganap ang aksidente sa Tanay, mga 50 kilometro east of Manila. - FNW

Comments